MARKAHANG PANGGANAP
Sa panahon ngayon may mga salitang basta-basta na lamang sumusulpot at sumisikat kahit hindi natin lubusang alam kung ano ang tunay na kahulugan kahit araw-araw natin itong ginagamit para makipaguspa sa ibang tao. Hindi man natin sinasadyang gamitin ito, madalas ay nangyayari pa rin ito sahil na rin siguro sa kasikatan ng mga salita na kadalasang pinapasikat ng mass medya kung saan.
Sa kasalukuyan, ang aking napapansin ay mas nabibigyan ng diin o mas nagagamit ang mga “diamanteng kabute” kaysa sa mga salitang minsang nagging bahagi ng ating kasaysayan at sa aking pananaw, hindi naman ito mali ngunit kahit paminsan minsan, dapat ay ginagamit pa din natin ang ating sariling wika dahil ito ay isa din sa pagpapakita ng pagmamahal sa ating bayan.
Masakit man isipin na mismong mga kabatatan ang nagbabago ng mga nakalakhang salita, may maganda parin namang naidudulot ang mga pagkakagawa ng mga salitang ito dahil kung titingan natin sa ibang angulo ay nakabuti ito sapagkat madaling nagkakaisa ngayon ang mga kabataan sa kanilang pakikihabilo sa isa’t –isa sapagkat mas madali silang nagkakaintindihan. Nagiging kaswal lamang ang usapan dahil hindi malalalim na salita ang kanilang ginagamit. Hindi naman masama ang pag gamit ng mga “diamanteng kabute” ngunit, pakakatandaan natin na kung hindi man natin magamit ng madalas ang mga salita noon , irespeto natin ang mga ito dahil hindi lamang ito basta salita ngunit ang mga ito ay nagging bahagi narin ng ating kasaysayan.
Comments
Post a Comment